Dennis Trillo, Ruru Madrid nakisaya sa mga sinehan ngayong Pasko

Wala nang makakatalo pa sa pinakabagong Pamaskong handog ng GMA Pictures ngayong 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) na Green Bones na pinangungunahan ng dalawa sa pinakamalaking leading men sa industriya ngayon - Dennis Trillo at Ruru Madrid.
Para gawing mas espesyal ang opisyal na pagdating ng Green Bones sa takilya ay bumisita ang dalawang lead stars sa iba't ibang sinehan sa Metro Manila at naki-join sa mga fans na nanood ng nasabing pelikula.
Ilan sa mga binisita ng mga aktor ay ang SM City San Lazaro, Fishermall Quezon Ave., at Quantum Skyview, Gateway Mall 2 kung saan ipinalabas ang trending na trailer ng Green Bones.
Game ding humarap sa mga fans ang dalawang aktor, nagbenta ng tickets sa mga manood, at namigay ng Green Bones t-shirts sa ilang maswerteng attendees.
<
Tingnan ang masayang cinema tour nina Dennis, Ruru, at Green Bones team sa gallery na ito:






