advertisement
TV

Ang mga tauhan ng 'Pari 'Koy'

of 14

Dingdong Dantes bilang Father Kokoy

Si Father Kokoy ang pinakaastig na kura paroko ng Barangay Pinagpala. Siya ay kikilalanin bilang si Pari 'Koy, ang magsisilbing inspirasyon ng kanyang parish.

of 14

Sunshine Dizon bilang Noemi Cruz

Si Noemi ang madiskarte at raketerang sekretarya ng simbahan. Sa kabila ng pagkayod para sa pamilya, aabusuhin at pagmamalupitan siya ng asawang si Simon.

of 14

Chanda Romero bilang Martha Buenavista

Si Martha ang self-righteous leader ng Tres Marias, ang lay workers sa simbahan ng Barangay Pinagpala.

advertisement
of 14

Luz Valdez bilang Esther San Pablo

Si Esther ang tsismosa, tagasulsol at ipokritang miyembro ng Tres Marias, na magiging kakampi ni Martha sa mga hindi nila gustong pamamalakad ni Father Kokoy.

of 14

Jojit Lorenzo bilang Tomas Sacramento

Si Tomas ang masayahin at palatawang all-around helper ng simbahan ng Barangay Pinagpala. Siya ang magiging sidekick, personal alalay, radar at kakulitan ni Father Kokoy.

 
of 14

Gabby Eigenmann bilang Jude Banal

Si Jude ang pinakamamahal na Barangay Chairman ng Barangay Pinagpala dahil sa pagiging bukas-palad sa mga tao. Ngunit hindi nila alam na aktibo siya sa mga iligal na gawain.

advertisement
of 14

Rap Fernandez bilang Sol Castillo

Si Sol ang kanang-kamay ni Jude at lider ng mga barangay tanod. Siya rin ang gumagawa ng "dirty works" ng kapitan.

of 14

JC Tiuseco bilang Timo Espiritu

Si Timo ang nakababatang kapatid ni Noemi at kilala bilang hari ng tambay sa Barangay Pinagpala.

of 14

Carlo Gonzales bilang Simon Cruz

Si Simon ang malupit na asawa ni Noemi at tatay ni Sarah. Babaero at feeling binata kung kumilos.

advertisement
of 14

Jillian Ward bilang Sarah Cruz

Si Sarah ang nag-iisang anak nina Noemi at Simon. Masaya at matulungin dahil pinalaki ni Noemi sa pagmamahal.

of 14

Jeric Gonzales bilang Eli Marasigan

Si Eli ang maangas at happy-go-lucky type of guy na magbabago sa pagdating ni Ava sa kanyang buhay.

of 14

Lindsay de Vera bilang Ava Buenavista

Si Ava ang mabait, madasalin at mabuting apo ni Martha. Makikilala niya si Eli na siyang magtutulak sa kanya na maging kasapi ng choir ng simbahan.

 
advertisement
of 14

David Remo bilang Pinggoy

Si Pinggoy ang bibo, makulit at pasaway na batang magiging kasangga ni Pari 'Koy sa kanyang misyon sa Barangay Pinagpala.

of 14

Hiro Peralta bilang Samuel Evangelista, Jr.

Si Sam ang nakababatang kapatid ni Father Kokoy. Natatakot siyang hindi matanggap ng kanyang pamilya dahil sa pagiging closet gay.