Showbiz News

Abangan si Kim Domingo sa 'Tunay na Buhay'

By MARAH RUIZ

Bumubuhos ang iba't ibang offers ng mga projects at endorsements ngayon para kay Kapuso sexy actress Kim Domingo.

Matapos maging viral ang kanyang dubsmash ng awit na 'Twerk it Like Miley,' naging regular guest star si Kim sa longest running gag show sa bansa na Bubble Gang. Nakatakda rin siyang lumabas sa upcoming GMA Telebabad series na Juan Happy Love Story.

Ngunit bago siya naging artista, kamusta naman ang buhay at kabataan ni Kim?


Mula sa modelling, car shows at pati na pagiging isa sa mga dancers ng host na si Willie Revillame, ibabahagi ni Kim kay Tunay na Buhay host Rhea Santos ang kanyang kanyang pasisismula sa mundo ng showbiz.

Abangan ang istorya ng buhay ni Kim sa Tunay na Buhay, ngayong Miyerkules, April 13, 11:35 pm sa GMA!

MORE ON KIM DOMINGO:

Kim Domingo masaya sa pagbuhos ng offers

Kim Domingo hindi takot sa kontrabida roles