Showbiz News

Susunod sa 'Pepito Manaloto': Ang pagduda ni Berta

By AEDRIANNE ACAR

Busy ang mga bagong parents na sina Berta at Robert dahil dumating na ang kanilang anak. Kaya naman kahit ang mga amo ni Berta na sina Mimi at Deedee tumutulong sa mag-asawa para alagaan ang kanilang chikiting.

At dahil nanganganay pa ang guwapong family driver sa pag-aalaga sa bata ay hinayaan muna nila Mimi na tumira sa kanila si Robert. Pero ‘tila may namumuong trouble! Ito kasing si Berta may nabubuong pagduda kapag magkasama sina Robert at Deedee.

Tama kaya ang hinala ni Berta o tamang hinala lang ang bagong mommy?

Abangan ang lahat ng ito sa paborito ninyo at high-rating Saturday night sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento this April 23 na!

MORE ON 'PEPITO MANALOTO':

LOOK: Ismol family meets Manaloto family

LOOK: Where in the world is Michael V?