Showbiz News

Fambam showdown with 'Ismol Family' and 'Team Manaloto' this April 24!

By AEDRIANNE ACAR

Busog sa katatawanan ang Linggo ng gabi ninyo this April 24, dahil sa isang pambihirang pagkakataon na magtatagpo ang landas ng Ismol Family at Team Manaloto, matapos magbangaan ang sasakyan nina Mama A at Elsa.

Dahil dito mauuwi ito sa matinding pagtatalo, maayos kaya ng magkabilang panig ang problemang ito?

Kakailanganin nina Elsa, Robert, Patrick at Mimi na tumigil muna sa bahay nina Jingo at Majay, pero ‘tila magkakaroon nang rivalry si Majay at Elsa sa pagbi-bake. Sino kaya sa dalawang super nanay ang makakagawa ng pinakamasarap na apple pie?

Hindi niyo din dapat palampasin mga Kapuso ang pagkikita nina Bernie at Robert at ‘tila may tarayan din magaganap sa pagitan ng dalawa.

At mukhang may bagong admirer si Jingo at ito ay walang iba kundi ang nanay ni Deedee na si Mimi.

Tiyak panalo ang Linggo ng gabi ninyo mga Kapuso, kaya huwag ng ilipat ang channel at panoorin ang fambam showdown sa pagitan ng Pamilyang Ismol at Team Manaloto sa April 24 pagkatapos ng Vampire Ang Daddy Ko.

MORE ON ‘ISMOL FAMILY':

LOOK: Ismol family meets Manaloto family

#IdealMan: Funny Kapuso Hunks

9 funniest celebrity moms