Showbiz News

READ: Willie Revillame, na-touch sa nakukuhang suporta mula sa GMA

By CHERRY SUN

Kahit malapit nang mag-isang taon simula nang maging Kapuso si Willie Revillame at ang kanyang variety game show, hindi pa rin nagmamaliw ang pasasalamat ng Wowowin host. Lalo pang napaigting ang sayang kanyang nararamdaman sa ipinapakitang suporta ng GMA dahil sa pagbisita ni Atty. Annette Gozon-Abrogar.

Naging bahagi ng studio audience ang GMA Films president at anak ni GMA Chairman and CEO Atty. Felipe Gozon sa Wowowin noong Biyernes, April 22.

“Welcome sa bagong studio n'yo. May bagong home ulit [ang Wowowin]. So magiging masaya talaga ang buong GMA dahil nandito na, malapit na ang show ni Willie. Malapit na ang studio kung saan kami nandoon,” pagbati ni Atty. Gozon-Abrogar. 

“Salamat sa pagtangkilik n'yo sa Wowowin at sa GMA. And sana napapasaya namin kayo, lalo na ng Wowowin. We’re very grateful na nandito na si Willie,” dagdag niya.

Na-touch naman si Kuya Wil dahil sa pagkilala ng Kapuso network sa kanilang mga efforts sa pagpapaligaya at lalong pagpapabuti ng kanyang programa.

READ: Willie Revillame, nagbahagi ng kanyang pangarap at mga pinagdaanan sa pagpasok ng Wowowin sa bago nitong tahanan

Aniya, “Napakalaking bagay po sa akin ito at sa aming lahat.”

“Siyempre iba ‘yung may-ari ng GMA bababa para ma-meet ka ‘di ba, para makita kayo,” paglarawan din niya nang malaman na bibisita ang GMA executive.

Nangako rin si Willie na tutumbasan ang suportang ibinibigay sa kanyang programa.

“'Wag kayo mag-alala. Pagagandahin pa namin ito. Pagagandahin pa, marami pa kaming tutulungan dahil isa kayo sa inspirasyon ni Atty. Gozon, Mr. Duavit and of course Tito Felipe Yalong. Lahat po ng bumubuo ng GMA, sobra po ang pag-welcome sa amin dito. Bukas-puso, bukas-loob kaya nandito kami. Ma’am Annette, thank you so much,” pagtatapos niya.

MORE ON 'WOWOWIN':

Kim Domingo, naka-reunion si Willie Revillame at mga dating nakatrabaho

READ: Willie Revillame, kinumpirmang dadalhin ang Wowowin sa mga kababayan sa ibang bansa