Showbiz News

Usapang stress ngayong Sabado sa 'Pepito Manaloto'

By AEDRIANNE ACAR

Stress na stress ang bida natin na si Pepito dahil sa dami ng kaniyang trabaho. Kaya ang mga katrabaho niya, nasasabon kapag naabutan ni Pepito ang bulilyaso nila sa trabaho.

Ano kaya ang maiisip na paraan ng maybahay ni Pepito na si Elsa para matulungan ang asawa at matanggal ang stress niya?

Ito naman si Janice mukhang makakabanga ang bagong empleyado na si Tere. Hirap kasi ang misis ni Patrick dahil kailangan niya alagaan ang kanilang bunso at madalas itong umabsent sa trabaho.

Pakiramdam tuloy ni Janice nagpapakabibo si Tere para magmukha siyang palpak. Mukhang nangangamoy rambulan ang tapatan nina Janice at Tere.

Abangan ang exciting episode ng Pepito Manalato: Ang Tunay na Kuwento sa darating na Sabado ng gabi, April 30 pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

MORE ON 'PEPITO MANALOTO':

IN PHOTOS: Explore Canada with Michael V and kin

#IdealMan: Funny Kapuso Hunks