Barbie Forteza 'heartbroken' sa pagpanaw ni Gloria Romero

Heartbreaking para kay Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza ang pagpanaw ng premyadong aktres na si Gloria Romero.
Sa X (dating Twitter), ipinahayag naman ni Barbie kung gaano niya ipinagmamalaking naka-trabaho niya si Gloria sa maraming Kapuso shows.
“This is so heartbreaking. Buong buhay ko pong ipagmamalaki na nakatrabaho ko po kayo,” sulat ni Barbie sa kaniyang post kalakip ang litrato nila ng batikang aktres.
“Rest in paradise, Ms. Gloria Romero,” pagtatapos ng Barbie na may kasamang dove emoji.
Matatandaang nagkatrabaho sina Gloria at Barbie sa GMA romantic comedy series na Meant to Be. Gumanap ang beteranang aktres bilang si Lola Madj, ang lola ng karakter ni Barbie na si Billie.
Ilang netizens din ang nagpaabot ng kanilang condolences at mensahe ng suporta hindi lang kay Barbie, kundi maging sa pamilya ni Gloria.
Kahapon, inilahad ni Widows' War actress Lovely Rivero sa kaniyang social media post ang pagpanaw ng tinaguriang Queen of Philippine Cinema.
Sulat niya sa caption, “Rest well our Movie Queen, Tita Gloria Romero. Praying for the repose of her soul and for strength for @chefmgutierrez, Chris, and the whole family during this difficult time.”
Kinumpirma rin ng anak ni Gloria na si Maritess Gutierrez ang pagpanaw ng kaniyang ina.
“It is with great sadness to announce the passing of my beloved mother, Gloria Galla Gutierrez aka Gloria Romero peacefully joined our Creator today, January 25,” saad niya sa kaniyang post.
Sinabi rin ni Maritess na nakaburol ang mga labi ng kaniyang ina sa hall A ng Arlington Memorial Chapel sa Quezon City, at bubuksan para sa public viewing sa Lunes at Martes, 9:00 a.m. hanggang 1:00 p.m.
BALIKAN ANG ILAN SA SADDEST AND MOST SHOCKING CELEBRITY DEATHS SA GALLERY NA ITO:













































