Showbiz News

Aljur Abrenica, nagpapasalamat sa pagkakataon na muling nabigyan ng Telebabad show

By BEA RODRIGUEZ

 

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Kambal Sirena pa ang huling naging primetime show ni Kapuso star Aljur Abrenica kung saan nakatambal niya si Louise delos Reyes noong 2014.

Makalipas ang dalawang taon, muling mapapanood ang hunk actor ngayong Mayo 2 (Lunes) kasama ang kanyang Dangwa leading lady na si Janine Gutierrez sa Once Again.

“Well, balik primetime na tayo, and I’m very happy na si Janine [ulit] ang [makakatrabaho] natin,” saad niya sa panayam ng GMANetwork.com.

READ: Aljur Abrenica, matagal na gustong makatrabaho si Janine Gutierrez 

Nagpapasalamat rin siya sa GMA sa pagkakataon na mabigyan ng teleserye na kanyang pagbibidahan, “Ayon, nakabalik na tayo. I’m very happy and thankful sa bumubuo ng proyekto na ‘to na binigyan tayo ng pagkakataon na magkaroon ng project na makapagpapasaya ng mga tao.”

Okupado rin ang iskedyul ng aktor sa pag-promote ng kanyang third single na “Mahal Pa Rin Kita”.

MORE ON ALJUR ABRENICA:

Aljur Abrenica nagpakilig sa morning kantahan ng 'Unang Hirit'

LOOK: Behind the scenes at the GMA summer plug shoot