Showbiz News

Pagbibidahang soap nina Louise delos Reyes at Juancho Trivino, hango raw sa Disney fairy tales

By BEA RODRIGUEZ


“Cinderella meets Snow White meets Little Mermaid” ang paglalarawan ng Kapuso star na si Louise delos Reyes nang magkuwento siya tungkol sa kanyang nalalapit na pagbibidahang soap na Magkaibang Mundo kasama ang kanyang first time leading man na si Juancho Trivino.

READ: Juancho Trivino, dati pang gustong makapareha si Louise delos Reyes 

“Princess” raw ang pangalan ng kanyang karakter at gayon din ang kanyang lagay sa kuwento, “She has the best life as a princess at prinsesa talaga siya sa family niya, lalo na sa dad niya which is like Cinderella.”

Kagaya ng isang Disney princess, maraming hamon ang pagdadaanan ng kanyang karakter, “Madaming magiging bubog si Pepay paglaki niya hanggang [maging] katulong na lang siya ng tita at mga pinsan niya.”

May makikilala rin siyang Prince Charming, “She will meet this guy [and] she’ll eventually fall in love with him, but then meron pala siyang tinatago sa sarili niya na mabibisto ni Elfino.”

Gagampanan ni Juancho ang papel ni Elfino na isang duwende at magkakaroon sila ng makulay na pagkakaibigan ni Pepay.

Ayon sa aktres, ibang-iba raw ito sa kanyang nakaraang telefantasiya na Kambal Sirena kaya excited na siyang gumanap sa mala-fairy tale na kuwento nito.

Saad ni Louise, “This one’s different kasi heavy drama talaga siya and sobrang promising. ‘Yung character ko [ay] hindi siya ‘yung typical na mahinhin eh. [She’s] very optimistic [and] very energetic pero may tiklop din ako.”

Mapapanood na natin ang nalalapit na paglunsad ng bagong GMA Afternoon Prime soap sa Mayo. Tutok lang mga Kapuso!

MORE ON LOUISE DELOS REYES:

 

Louise delos Reyes reveals why she started blogging
 

Louise delos Reyes on her first blog entry: "The struggle is very real."