Showbiz News

Miguel Tanfelix, nagbigay ng 'sweet' na tips para ngayong summer

By MARAH RUIZ

 

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Hindi kayang tunawin ng init ng summer ang sweet at cool na disposisyon ni Kapuso cutie Miguel Tanfelix.

Kaya naman nang tanungin siya ng piling miyembro ng media, kasama na ang GMANetwork.com ng ilang tips para sa summer, sweet din ang kanyang naging mga sagot.

LOOK: #ProudMorenoBeauties: Beautiful in every inch

"Hindi mo talaga maiiwasan na ma-haggard 'pag mainit talaga eh. Siguro kain kayo ng dessert. Ice cream, float, sundae, mga ganun, bili kayo," aniya.

Bukod dito, payo din ni Miguel na magsuot ng kumportableng mga damit.

"'Yung comfy lang kasi ayaw mong ma-hassle ka sa damit mo. Kung pwedeng naka-t-shirt ka lang or plain shirt. Don't wear dark colors," bahagi niya.

"Mahilig ako sa white shirt ngayon kasi nga mainit," dagdag ni Miguel.

LOOK: 21 celebrities who started showbiz below 10 years of age

Naghabol din si Miguel ng isang tip at pinaalalang malaking tulong ang positive attitude maging sa paglaban sa matinding init.

"Saka 'wag kang masyadong mainit ang ulo. Cool ka lang para cool lang din 'yung [pakiramdam]," nakangiting sabi nito.

Panoorin si Miguel sa lalong umiinit na mga tagpo ng pinagbibidahan niyang serye na Wish I May, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.

MORE ON MIGUEL TANFELIX:

WATCH: Latest Musical.ly videos of Miguel Tanfelix go viral again

Miguel Tanfelix reacts to fan concerning his loyalty as a Kapuso