Showbiz News

'Wowowin,' pansamantalang titigil sa pag-ere

Simula Lunes, May 2, hanggang Biyernes, May 13, ay hindi muna mapapanood sa GMA Network ang variety game show na Wowowin. Sa ulat ng 24 Oras ngayon, April 29, ay ipinaliwanag ni Willie Revillame ang dahilan ng kanilang pansamantalang pagtigil sa pag-ere.

“Sa ating mga kababayan, mga Kapuso, hindi po mawawala ang Wowowin. Magpapahinga lang po ito ng two weeks. Etong Friday na ito ang last episode ko for this month,” anang host.

Ayon kay Willie, siya mismo ang humingi ng bakasyon sa GMA para na rin makapagpahinga at makapaghanda para sa nalalapit na unang anibersaryo ng kanyang programa sa Kapuso network.

“Mabuti naman pinayagan ako, at maiintindihan naman ng ating mga kababayan. Syempre, ‘yung health ko rin. Magpapa-check-up din ako para [sa] matagal na pagsasama,” sambit niya.

Habang off the air ang Wowowin ay gagamitin ng GMA Network ang studio para sa mas pinalawak na election coverage nito. Magpa-plano rin si Kuya Wil para sa kanilang bonggang celebration sa kanilang pagbabalik sa May 16.

Wika ni Kuya Wil, “Syempre ‘yung panahon natin na ‘to, dapat naka-focus tayo sa eleksyon. Sandali lang naman po ito. Alam niyo, kinabukasan natin ang pinag-uusapan dito.”

“Gusto ko ng pagbabago for this coming one-year [anniversary]—bagong mga games, bagong mga papremyo at bago ang set natin. Ibig sabihin ‘yung studio natin bago na talaga. Mas maganda, mas pinalaki, mas komportable na ang ating mga Kapuso,” patuloy rin niya.

Suportado at nauunawan naman ng GMA management ang desisyon ni Willie.

“Nung pinaalam niya, I raised it to management.. parang it’s an opportunity naman for us because meron tayong malaking election coverage ‘di ba for News and Public Affairs. So ‘yung mga ginagamit namin for his studio, mabibigay din namin for the election coverage,” ani GMA VP for Program Management Joey Abacan.

Dagdag din niya, “I’m also excited. Si Willie naman everytime na merong break na hihingin ‘yan, napatunayan ko na that every time he comes back, mas malaki, mas maingay.”

Naglabas din ng official statement ang GMA Network. Basahin ang kanilang pahayag:

“GMA Network’s well-loved daily game show Wowowin with host Willie Revillame will take a short break this May.

Willie welcomes the brief vacation and is excited and busy preparing for the program’s first anniversary celebration upon his return. Coinciding with Wowowin’s break, the studio facilities will be temporarily utilized for election coverage.

Fans and supporters can look forward to bigger prizes, more fun games and excitement from Wowowin.” 

MORE ON WOWOWIN:

READ: Willie Revillame, na-touch sa nakukuhang suporta mula sa GMA 

READ: Pagpasok ng Wowowin sa GMA, katuparan ng pangarap ni Willie Revillame