Showbiz News

Ano ang nagpapaganda ng umaga ni Marian Rivera?

By GIA ALLANA SORIANO


Sa press conference ng kanyang bagong talk show, naitanong kay Marian Rivera kung ano nga ba ang nagpapaganda ng kanyang umaga upang masabi niya ang mga katagang “Yan ang morning!”

Aniya, “Pag gising ko sa umaga 'pag nakita ko 'yung asawa ko, oh, gwapo. 'Pag tingin ko sa kabila, 'yung anak ko napaka-bubbly din. Umaga pa lang palaging naka-smile 'yan [si Baby Zia.] Ang sarap [sa pakiramdam.] Ang ganda ng aura [ng umaga.]”


Dagdag pa niya, “Napakabait sa akin ng Diyos para ipa-experience ito sa akin. At para sa akin, ito ang totoong buhay. Ito, [ang showbiz,] ay trabaho na minamahal ko rin, pero pag-uwi ko ng bahay 'yun ang nilo-look forward ko.”


Naikuwento rin ni Yan ang kanyang pakiramdam ngayong isa na rin siyang mommy. Ika niya, "Hindi ko alam, pero siguro 'yung mga nanay ay makaka-relate sa akin, dahil ang pagiging isang ina ay priceless talaga. Talagang sabi ko nga, mahirap magbuntis at mag-labor pero 'pag nakita mo na 'yung resulta masasabi mong, 'Lord, bigyan mo pa ako.'"

"Walang katumbas, eh. Masaya, masarap sa pakiramdam."

Mapapanood na ang Yan Ang Morning! this May 2, 10:45 A.M.!

MORE ON 'YAN ANG MORNING!':

Marian Rivera, magkakaroon na ng sarili niyang talk show?

SNEAK-PEEK: Marian Rivera and Boobay team-up for GMA's new talkshow Yan Ang Morning!