Showbiz News

Marian Rivera on mother-in-law Angeline Dantes: 'Parang feeling ko anak niya na ako talaga'

By GIA ALLANA SORIANO

Magiging guest ang mommy ni Dingdong na si Angeline Dantes sa bagong show ni Marian na Yan Ang Morning!.


Sa press conference ng kanyang bagong talk show last April 28, inilarawan ni Yan ang kanyang relationship with her mother-in-law. Ika niya, “Wala akong masabi talaga, parang feeling ko anak niya na ako talaga, literal. Kasi, example, pag wala sila Mama, Mommy ni Dong nag-aalaga kay Zia.”


Si Mommy Angeline rin daw ang isa sa mga nagtuturo sa kanya ng mga bagong recipes. Aniya, “Tinuturuan niya ako ng mga luto niya, kasi magaling magluto mommy ni Dong, eh. Kaya namin in-invite ang mommy ni Dong, kasi isa sa mga paborito [na pagkain] ni Dong ay tinuro niya sa akin.”

Ano pa kaya ang mga secret recipes ng dalawa? Abangan sa Yan Ang Morning!, bukas na, 10:45 A.M.!

MORE ON 'YAN ANG MORNING!':

Marian Rivera, magkakaroon na ng sarili niyang talk show?

SNEAK-PEEK: Marian Rivera and Boobay team-up for GMA's new talkshow 'Yan Ang Morning!'