Showbiz News

EXCLUSIVE: Will Assunta de Rossi pose for a men's magazine again?

By MICHELLE CALIGAN

Isa sa in-demand na cover girls ng men's magazines noon si Assunta de Rossi. Naging FHM's Sexiest siya in 2002 at napasama pa sa isa sa tatlong covers ng 75th anniversary issue ng naturang magazine noong October 2007.


Almost ten years since her last stint, gusto ba niyang ibalik ang kanyang sexy image?

"I think kahit naman okay sa akin, feeling ko hindi magiging okay sa tao. Kasi siyempre they want fresh faces naman," she tells GMANetwork.com in an exclusive interview.

READ: Assunta de Rossi, balik Kapuso para sa 'Magkaibang Mundo'

Anang Magkaibang Mundo star, "At 33, hindi ba dapat nasa bahay ka na lang at nagluluto-luto at nag-aalaga ng bata (laughs)? Alam mo naman ang norm dito. At this age, dapat parang nagbabawas ka na ng mga pandalaga activities."

Pagdating naman sa muling pagiging cover girl ng men's magazine, open naman daw ang aktres kung may offer.

"Kung meron, baka naman i-consider ko. Wala namang problema eh. Ang iniisip ko 'yung magbabasa, baka sila naman ang may ayaw na. Saka hello, nakita naman na nila lahat. Wala na akong maibibigay pa (laughs)."

MORE ON 'MAGKAIBANG MUNDO':

Juancho Trivino, dati pang gustong makapareha si Louise delos Reyes

What Isabelle de Leon learned from being a child actress