Showbiz News

EXCLUSIVE: What Andrea Torres learned from her 'The Millionaire's Wife' co-stars

By MICHELLE CALIGAN

 


Habang patagal nang patagal ang takbo ng The Millionaire's Wife ay lalong nakikilala ni Andrea Torres ang kanyang mga katrabaho.

READ: Andrea Torres, hindi naiilang sa mga eksena nila ni Robert Arevalo

Sa isang exclusive interview with GMANetwork.com, ikinuwento ng aktres ang kanyang mga natuklasan sa kanyang co-stars, at kung paano nagbago ang kanilang working relationship.

Una niyang inilarawan si Jaclyn Jose na gumaganap bilang Stella.

"Si Tita Jane ang pinakakinatatakutan ko nung una kasi very intimidating siya. Talagang kapag tiningnan mo, sosyal, 'yung artistang masa-starstruck ka talaga. Pero para siyang nanay sa 'yo. Very funny din, andami niyang stories na sine-share na nakakaaliw. At makikita mo talaga 'yung pagiging caring niyang tao, na parang natural sa kanya 'yun."

She also talked about Ina Raymundo and leading man Mike Tan.

"Si Miss Ina, very lovable rin na tao. Very sweet si Miss Ina, kabaligtaran ng character niya. Si Mike, very friendly 'yan. Madali rin siyang kausap kasi kapag kinakausap ka niya parang feeling mo mapagkakatiwalaan mo siya. Hindi kasi siya [judgmental] eh."

Kanino naman siya naging pinaka-close?

"Si Rich nagiging close ko na talaga. Parang 'yung roles namin natatawid na sa totoong buhay, na nagkakakuwentuhan na talaga kami. At sobrang walang arteng tao. Kaya minsan ang daling gawin ng mga eksena kasi siyempre nagiging close na talaga kayo," pagtatapos niya.

MORE ON 'THE MILLIONAIRE'S WIFE':

Ina Raymundo on Jaclyn Jose: "She's my peg!"

Bakit natulala si Andrea Torres kay Mike Tan?