Showbiz News

Alamin kung bakit idol ni 'StarStruck' cutie James Teng ang comedian na si Pekto

By AEDRIANNE ACAR

Ikinuwento ng StarStruck graduate na si James Teng sa exclusive interview nito sa GMANetwork.com ang kaniyang experience nang mag-guest siya sa paboritong Sunday night sitcom ng mga Kapuso, ang Ismol Family.
 
Ayon sa Kapuso cutie, hindi raw niya naiwasang ma-tense at kabahan nang sumalang na siya sa taping at makaeksena ang mga bigating stars ng show na sina Ryan Agoncillo at Carla Abellana.
 
Kuwento ni James, “So eto naman first salang ko in real life na talaga sa taping, siyempre kasama ko niyan si Ryan Agoncillo, Carla Abellana na super ganda, lalo na si Yumi, si Bianca Umali, ‘yung kaeksena ko.
 
“So, nung first po talaga, first day, ang dami nang nagsabi sa akin na ang gara daw ng performance ko. Parang tense na tense nga ako nun. Kasi first day eh, parang kinakabahan. Nate-tense pa. Hindi ko alam ang gagawin ko, nahihiya pa ako sa camera,” dagdag ng newbie actor.
 
Bagama't kabado siya sa kaniyang naging unang salang sa sitcom, eventually ay mas naging confident siya at unti-unting lumabas ang kaniyang comedic side.
 
“Pero nung second na airing naman ng episode, sabi nila okay naman daw. Nakakatuwa daw kasi ayun na, parang lumalabas na daw ‘yung [comedic side ko].”
 
Bilib din si James sa Ismol Family mainstay na si Pekto. Sobra raw gaan katrabo ng komedyante at magaling daw makisama sa lahat ng tao, kahit sa production team ng show. 
 
Aniya, “Kay Kuya Pekto, ang sarap lang niyang kasama. Ini-idolize ko siya sa PR niya, sa relationship niya sa lahat. Kumbaga sa set, lahat kahit ano'ng gawin niya, kahit ano'ng sabihin niya parang nakakatawa, so parang wala na lang sa mga tao dun sa set. So, ayun gusto ko ng ganung relationship [sa production].”
 
MORE ON JAMES TENG:
 
James Teng, humingi ng tawad bago magpaalam sa 'StarStruck'
 
James Teng considers himself untalented but determined to win ‘StarStruck’ through pure effort