Showbiz News

Muli nang makakasama si 'Doraemon' bawat umaga!

Na-miss niyo ba ang cat robot na si Doraemon at ang kanyang iba't ibang mga gadgets?

Muli ninyo siyang makakasama bawat umaga simula May 11!

Isang bagong Doraemon movie ang hatid ng GMA Astig Authority bawat linggo! Sisimulan ito ng Nobita and the Robot Kingdom.

Gamit ang isang time machine, maglalakbay sina Doraemon, Nobita, Shizuka, Suneo at Damulag papunta sa mundo kung saan nabubuhay nang magkasama ang mga tao at mga robot. 

Makikilala nila dito si Empress Jeanne, ang pinuno ng Robot Kingdom. Malalaman ng grupo na may masamang balak si Empress Jeanne sa mga robot dahil hinuhuli niya ang mga ito at tinatanggalan ng emosyon. 

Pati ba si Doraemon ay mawawalan ng emosyon? Mapigilan kaya nila si Empress Jeanne? 

Abangan sa Doraemon, simula May 11, Lunes hanggang Biyernes, 7:55 am sa nag-iisang GMA Astig Authority.