Showbiz News

Ano ang advice ni Aiai Delas Alas sa mga working moms?

By Gia Allana Soriano


Sa interview ni Aiai Delas Alas kay Marian Rivera sa Yan Ang Morning!, naikuwento niya ang kanyang parenting style. Ika niya, “Ako lang, parati kong sinasabi sa kanila [sa ibang mommies,] kahit maliliit pa [ang mga anak niyo,] parati niyong isasama 'yung mga anak niyo. Kunyari working mom kayo, gagawa kayo ng paraan to give them time.”
 
Ito raw ay dahil very crucial sa character development ng bata ang mabatayan ng magulang habang sila ay nasa edad one to four-years-old.
 
Dagdag pa niya, “Kailangan parati niyo sila kasama kasi doon nabubuo pagkatao nila. Doon nila nalalaman ang mga tama at mali.”
 
Agree naman ang anak ni Aiai na si Sancho dito. Dahil kung super busy ang mama Ai nila, ngayong malalaki na sila, sila na mismo bumibisita kay AiAi.
 
Aniya, “Meron [kaming] three days. [Pag] three days 'di na kami nagkikita, kami na pupunta sa work [niya.]”
 
Dahil dito, nasabi pa ni Marian na pwede niyang isama si Baby Zia sa mga tapings. Ika ni Aiai, “[Pag] four-years-old [na si Zia,] pwede na 'yun [isama.]”
 
Mapapanood ang Yan Ang Morning! tuwing weekdays, 10:35AM.
 
MORE ON YAN ANG MORNING!:
 
READ: Marian Rivera lauds husband Dingdong Dantes for being supportive

READ: Ano ang nagpapaganda ng umaga ni Marian Rivera

IN PHOTOS: Ang BFFs na sina Marian Rivera at Boobay ay magkakasama sa 'Yan Ang Morning!'