Showbiz News

Multi-awarded actress Isabelle de Leon, mas pinipiling itago ang kanyang most ambitious life plan

By BEA RODRIGUEZ

Bata pa lang ay kilala na bilang magaling na aktres ang Kapuso star na si Isabelle de Leon. Sa kanyang angking galing sa pag-arte, maraming awards na ang kanyang napanalunan mula sa mga prestihiyosong award-giving bodies sa industriya.
 
Nanatiling tahimik ang dalaga sa kabila ng kanyang narating sa showbiz, “I would rather work hard in silence and let your achievements or kung ano man ang mga na-achieve mo, do the noise for you [para] mas focused ka lang [sa] goal mo.”
 
Ayaw niya rin ipabatid sa publiko ang kanyang plano sa buhay, “I feel shy na i-share ang ambition ko in life. Hindi ko na shine-share sa kanila kasi pa’no kung hindi mo pa nararating? Gawin mo lang ‘yung passion mo. Do your best!”

 




Kung meron man siyang gusto ibahagi, iyon ay ang mga makabubuti para sa lahat tulad ng mga nagawa niya para sa kapwa. Saad niya sa Mars, “Hindi naman lahat ng deeds mo in secret eh, meron din kasing good deeds na kailangan mo i-share para makakuha ka pa ng ibang support to help [a] person.”
 
Naniniwala rin siyang makabubuti kung ibabahagi niya ang kanyang kaalaman o mga payo sa taong nangangailangan nito. Dagdag ng multi-awarded actress, “Halimbawa, ‘yung friend mo may pinagdadaanan siya, puwede mo i-share kasi kay God nagmumula ‘yung strength. Sa timing din eh, kung kailan mo ishe-share ang strength mo.”
 
Magiging first-time kontrabida si Isabelle sa Magkaibang Mundo bilang si Sofie Sandoval. Mapapanood na siya sa GMA Afternoon Prime simula May 23.

 

 


MORE ON ISABELLE DE LEON:
 
What Isabelle de Leon learned from being a child star