Showbiz News

Wyn Marquez, kasama si Mark Herras sa kanyang kaarawan

By BEA RODRIGUEZ

Talagang maligaya ang kaarawan ng Kapuso Dance Diva na si Wyn Marquez dahil kasama niya ang kanyang manliligaw na si Bad Boy ng Dance Floor Mark Herras sa birthday nito ngayong araw, May 4.

Madaling araw pa lang ay nag-celebrate na ang Kapuso star by blowing her birthday cake and eating her favorite food.


Pinakauna yatang bumati si Mark sa kanyang leading lady, “Happy happy birthday, Wyn Marquez! I wish you happiness at sana lahat ng gusto mo magawa mo at makuha mo.”


Nagpasalamat pa siya sa dalaga sa mga oras na kailangan siya nito, “Thank you dahil palage kang nandyan. Sana you'll always be happy at mas maging successful ka pa.”
 
Very sweet ang pinakahuli na bati ni Mark, “I love you, Teresita…Happy birthday!”

 
MORE ON MARK HERRAS AND WYN MARQUEZ:
 
Mark Herras to Wyn Marquez: "I love you"

Mark Herras's sweet Valentine message to Wyn Marquez