Showbiz News

Ano ang advice ni Aiai Delas Alas sa kanyang anak na si Sancho ngayong magiging daddy na siya?

By GIA ALLANA SORIANO

Photo by: Elisa Aquino, GMA Network Inc.

Sa interview ng mag-inang Aiai Delas Alas at Sancho Delas Alas sa Yan Ang Morning!, nai-kuwento ni Sancho ang advice ng kanya Mama ngayong malapit na siya maging ama.

READ: LOOK: Aiai Delas Alas's son, Sancho, is going to become a dad

Ika niya, "Noon pa, bata pa ako, sinasabi niya na sa akin: 'pag ikaw naging tatay ka [dapat] maayos kang provider'"

Dagdag pa niya na hindi lang dapat daw maging provider ng pamilya, dapat pati presence mo bilang magulang andoon din.

Aniya, [Kasi] sa panahon natin ngayon, 'yung mga magulang work lang ng work kumbaga 'para ito sa anak, para ito sa anak,' nawawala na 'yung time na para sa anak."

"Kung baga lahat parang 'kailangan kita bigyan ng pagkain, kailangan kita madamitan, kailangan kita paaralin sa magandang eskwelahan.' Feeling ko nalakalimutan 'yung 'kailangan kita kausapin, kailangan kita maintindihan kung ano nasa loob mo."

MORE ON 'YAN ANG MORNING!'"
 
Marian Rivera lauds husband Dingdong Dantes for being supportive
 
Ano ang nagpapaganda ng umaga ni Marian Rivera
 
IN PHOTOS: Ang BFFs na sina Marian Rivera at Boobay ay magkakasama sa 'Yan Ang Morning!'