Showbiz News

Dennis Trillo on working with Kim Domingo: 'Maraming maiinggit sa akin'

By AEDRIANNE ACAR

Nabighani ang Kapuso Drama actor na si Dennis Trillo nang una daw niyang maka-eksena ang Bubble Gang bombshell na si Kim Domingo sa pinakabagong GMA Primetime series na, Juan Happy Love Story.

Ayon sa ulat ni Cata Tibayan sa 24Oras, sobrang sexy daw ni Kim na tinatawag na bagong pantasya ng mga kalalakihan ngayon.

Kuwento ni Dennis sa Chika Minute, “Natulala ako nung una, kasi first time ko siya na nakita nang live. Sobrang sexy ng suot kahit sinong lalaki siguro na maka-eksena niya or makakita sa kanya medyo mai-intimidate.”

Tiyak din daw na marami ang maiingit sa kanya, dahil super ganda ng kaniyang co-star sa Juan Happy Love Story.

“Balita ko siya 'yung bagong pinapatansya ng mga kalalakihan, so feeling ko maraming maiingit sa akin.”

Sa parehong ulat ni Cata Tibayan, nagbahagi din si Kim ng ilang beauty tips para sa mga Kapuso girls.

Aniya, hindi daw siya natutulog nang may make-up. “Tamang tulog lang 'yun, tapos, siyempre vitamins  importante for the skin. Kahit puyat ako, mag-aalis talaga ako ng make-up kasi ayaw ko ng natutulog [ng may make-up]. Kasi sabi nga nila kapag natulog ka ng may make-up, nakakatanda daw.”

Bagama’t marami ang humahanga kay Kim, mayrun din siyang mga bashers na hindi nagugustuhan ang kaniyang pagpapa-sexy.

Kaya matapang na sinagot ng Bubble Gang babe ang mga negative comments na binabato sa kanya.

“Alam mo ‘yun, all-out talaga ako wala akong kiyeme parang ganun, pero sa sarili ko nandun pa din talaga ‘yung respeto. Nasa pagkatao mo pa din talaga,”

MORE ON KIM DOMINGO:

WATCH: "Galawang hokage" ni Paolo Contis kay Kim Domingo, patok online!

EXCLUSIVE LOOK: Kim Domingo's red swimsuit scene in 'Juan Happy Love Story'