Showbiz News

WATCH: OPM singer/songwriter Ogie Alcasid ipinarinig ang kantang sinulat para sa AlDub

Nai-inspire ang former Bubble Gang star na si Ogie Alcasid na sumulat ng kanta para sa popular split-screen loveteam ng Eat Bulaga na sina Alden Richards and Maine Mendoza.

Sa panayam sa kanya sa Tonight with Arnold Clavio, pinarinig ng magaling na OPM singer ang English song na ‘I Love You (AlDub You).’ Kuwento ni Ogie, bagay na bagay daw sa Pambansang Bae ang kantang nilikha niya.

“Sabi ko lagi na lang kinakanta ni Alden [Richards] ‘yung ‘God Gave Me You.’ Sabi ko ‘Yun lagi ang kinakanta niya, gawan ko kaya ng bago.’”

Dagdag niya, “Actually, bihira ako gumawa ng English dahil ako ay Batangueño at laging tagalog ang ginagawa ko, pero sabi ko parang bagay kay Alden [Richards] ‘yung English.” 

MORE ON ALDUB:

Celebrity fans of AlDub
        
Kristoffer Martin, proud sa new business ng matalik na kaibigan na si Alden Richards

WATCH: Maine Mendoza's love advice video patok sa Twitter!