Showbiz News

Ilang taon gusto pag-aralin ni Marian Rivera si Baby Zia?

By GIA ALLANA SORIANO

 
Sa isang segment ng Yan Ang Morning!, naging topic ang early education, kung ito ba ay favorable or hindi para sa mga mommies sa studio audience.

READ: Marian Rivera's Question of the Day: Agree or disagree ba ang mga mommies sa early education?

Para naman sa Kapuso Primetime Queen, lahat naman daw ay may sariling parenting style. Kahit payag or hindi sa early education ay nasa magulang pa rin daw talaga ang desisyon, as long as hindi kakalimutang bigyan ng edukasyon ang kanilang mga anak.
 
Tinanong din siya ni Boobay kung ilang taon niya kaya balak pag-aralin si Baby Zia. Ika niya, “Ako, siguro, naniniwala kasi ako na ang edukasyon nagsisimula 'yan sa tahanan. Mismong sa bahay mismo tinuturaan mo na ang anak mo. So, si Zia, siguro, nagle-lesson kami mga colors muna.”
 
MORE ON 'YAN ANG MORNING!':
 
Ilan ang gustong maging anak ni Marian Rivera?
 
Ano ang advice ni Aiai Delas Alas sa mga working moms?
 
Tanong ni Marian Rivera sa Yan Ang Morning!: Asawa o si baby muna ang priority?