Showbiz News

Camille Prats, muntik nang bayaran ng pulitiko para i-endorso ito

By BEA RODRIGUEZ

 
Election season ngayon at usong-uso ang pag-eendorso ng mga kandidato.
 
Inamin ni Mars host Camille Prats na nilapitan umano siya nitong Eleksyon 2016. “Ay, may nag-attempt! Pinikit ko na lang ‘yung mga mata ko, Mars!” natatawang reaksyon ng aktres dahil hindi niya raw ito inasahan.
 
Kusa niya raw itong inayawan, “Hindi ko talaga kaya. Tinanggihan ko, ano ba? Sa totoo lang, kung pangangailangan, kailangan ko! Pero naisip ko, I don’t think I can.”
 
Ang rason kung bakit niya ito tinanggihan ay dahil laban raw ito sa kanyang kalooban. Paglinaw ng Wish I May star, “‘Pag humarap ka sa tao [at] tinanong ka, ‘Ba’t siya ang [ini-endorse] mo? Baka wala akong masagot kasi hindi buo ang puso ko unlike kapag sinabi ko, ‘Ito ‘yung gusto ko kasi ganito, ganyan.’”
 
Bukod rito, laganap rin ang pagdebate ng netizens online na ayon sa aktres ay hindi nakakatulong. Dahil apat na araw na lang at eleksyon na, ninanais niya na lamang na ihalal ng taumbayan ang mga kandidatong dedikado paunlarin ang bansa.
 
“Let’s pray for our country imbes na mag-away-away [at] magtalo-talo sa social media. Mag-unite tayo [dahil] iisa ang hangad natin [na] mapabuti ang lagay ng Pilipinas. Malapit na ang eleksyon [kaya] let’s all be vigilant,” pagpayo ni Mars Camille. 
 
MORE ON CAMILLE PRATS:

"Mas priority ko 'yung happiness ng anak ko" -  Camille Prats

Camille Prats finds fulfillment in her school for kids