Showbiz News

Ano raw ang favorite ulam ni Dingdong Dantes na gusto matutunan lutuin ni Marian Rivera?

By Gia Allana Soriano

Tinuruan ng Mommy Angeline ang kanyang manugang na si Yan kung paano lutuin ang favorite ulam ni Dong, ang Korean Beef, sa Yan Ang Morning!
 
Ika pa ni Yanyan, “Wala eh, malakas ako sa kanya [kay Mommy Angeline,] eh.”

 
Dagdag pa ng aktress, “Si Mommy Angeline kasi sobrang sarap niya magluto, sobrang hilig niya talaga magluto.”
 
Tinanong din ni Marian kung ano ba ang putahe na ginagawa ni Mommy Angeline bago niya nakuha ang puso ni Daddy Dantes. Ika niya, “Papaitan [ang favorite niya.]”
 
Natuto naman daw magluto si Mrs Dantes sa kanyang ina. Aniya, “Sa mommy ko, pinapanood ko siya na nagluluto, nagtatanong ako paunti-unti, ‘Bakit ganito, bakit ganyan.’”
 
Very proud naman si Marian sabihin na hindi raw nagtatago ng secret recipes sa kanya ang kanyang manugang. Sabi pa niya, “Parang lahat ng secret niya na pwedeng sabihin sa akin, shini-share [niya.]”
 
Agad naman sumangayun din ang isa pa sa mga guests, ang aktor na si Gardo Versoza. Aniya, “Eh, kasi naman, ramdam na ramdam niya kasi yung pagmamahal mo sa anak niya.”
 
MORE ON YAN ANG MORNING!:
 
Marian Rivera's Question of the Day: Agree or disagree ba ang mga mommies sa early education?

Tanong ni Marian Rivera sa Yan Ang Morning!: Asawa o si baby muna ang priority?