TV

Regine Velasquez-Alcasid, ipinaglihi kay Nora Aunor

By ANN CHARMAINE AQUINO

Sa Mother's Day episode (May 7) ng Sarap Diva, ibinahagi ni Regine Velasquez-Alcasid na siya ay ipinaglihi sa Superstar na si Nora Aunor.  

 

Mother's Day celebration and reunion sa 'Sarap Diva'

Ibinahagi ito ni Regine sa mga anak ni Nora na sina Lotlot de Leon at Matet de Leon. Kuwento ni Regine, "Claim ng nanay (Teresita Velasquez) ko, ipinaglihi niya ako kay Nora Aunor.

"Ang nanay ko kasi sobrang fan na fan ni Nora Aunor. Siyempre kasali na din ako doon," dagdag ni Regine.

Ayon kay Regine, tumatakas ang kanyang ina para lang mapanood si Nora. Aniya, "Nung buntis siya paalam niya sa tatay (Gerry Velasquez) ko magpapatingin siya sa doktor. Pero nanonood siyang sine."

"Sobra talagang love na love niya. Lahat ng pelikula ni Nora Aunor, papanoorin niya talaga. Eh mahirap kami noon, so wala kaming pang-watch ng sine. Iipunin pa namin 'yun. May isang lunch at dinner kaming hindi kinain para mapanood si mother," natatawang kuwento ni Regine.

MORE ON REGINE VELASQUEZ-ALCASID:

Regine Velasquez on being a mom: "Napakasarap talagang maging nanay" 

Regine Velasquez-Alcasid reunites with her princesses Rachelle Ann Go and Sarah Geronimo