Showbiz News

Mag-asawang Dantes at Alcasid, may tanging hiling ngayong tapos na ang eleksyon

By CHERRY SUN

Sikat mang maituturing, hindi humingi ng special treatment ang celebrity couples na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, at sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Maliban sa pagbahagi nila ng kanilang karanasan sa pagboto kahapon, May 9, naghatid din sila ng mensahe at paalala ngayong tapos na ang eleksyon.

Tulad ng ibang mga botante, pumila sina Marian at Dingdong, pati na sina Ogie at Regine sa kani-kanilang presinto. Anila, wala naman silang naranasang aberya sa araw ng halalan.

LOOK: No VIP treatment, celebrities line up to vote

Bida ni Dingdong sa 24 Oras, “Smooth naman siya, wala naman kaming na-encounter na error. Tinignan namin kung nag-match ‘yung mga nilagay namin doon sa resibo, so okay naman siya.”

“Ni-compare ko talaga, para makasigurado talaga na ‘yun talagang binoto ko, ‘yun talaga ‘yung lumabas,” dugtong naman ni Marian.

Para sa mag-asawang Alcasid, isang responsibilidad at karapatan ang pag-participate sa eleksyon.

“Yes, right of suffrage,” sambit ni Ogie.

Dagdag din ng kanyang misis, “Sayang naman if you don’t. But I think nowadays people really exercise their right to vote. They seem to be excited about it even.”

Ayon sa parehong ulat, collective wish daw ng celebrity couple na magkaisa na ang mga Pilipino.

READ: Celebrities voice their opinion on #Eleksyon2016 via social media

“I pray to God that whoever wins na for sure naman kasi kung sino ang manalo, pinili na ‘yan ni Lord,” ani Regine.  

“Also, wag natin kalimutan pasalamatan ‘yung mga teacher kasi sila ‘yung naghihirap d'yan na mag-canvass at siyempre mag-assist sa atin,” paalala naman ni Ogie.

Kapayapaan naman ang mensahe ng DongYan.

“Lahat ng tao siguro pinagdadasal talaga na maging mapayapa ‘to at siyempre mga Pilipino din naman ang makikinabang,” wika ni Marian.  

“Sa lahat ng nag-aaway, peace, peace na. Peace, peace. Mahalaga kung ano gagawin natin after together. Malaking bagay talaga na tulungan natin ‘yung mga susunod na mamumuno. Hindi lang puwedeng sila, hindi lang puwedeng tayo. Mahalaga ‘yung responsible citizen participation,” pagtatapos ni Dingdong.

Video courtesy of GMA News

More on the 2016 elections:

READ: Celebrity supporters celebrate big lead of Mayor Rodrigo Duterte in presidential poll

#LabanLeni: Stars pray for Leni Robredo to win amidst tight VP race