Showbiz News

Ilang showbiz personalities, wagi sa eleksyon 2016

By CHERRY SUN

Patuloy man ang bilangan ng mga boto sa national elections, marami na ring naproklamang panalo sa local elections. Ilan sa mga nagwagi ay ang mga showbiz personalities.

Iniulat ni Lhar Santiago sa 24 Oras ang mga personalidad na nagtagumpay sa pag-aartista at paglipat sa mundo ng politika.

IN PHOTOS: How did the celebrity candidates fare in the 2016 elections?

Si Vilma Santos-Recto ang nanalong kongresista sa kaisa-isang distrito sa Lipa City, Batangas. Congressman na rin sa ikatlong distrito ng Maynila si Yul Servo, habang nakaupo pa rin bilang Leyte representative si Lucy Torres-Gomez. Unopposed naman sa posisyon sa kongreso si Alfred Vargas bilang fifth district representative ng Quezon City.

Paliwanag ni Rep. Vargas sa 24 Oras, “It just goes to show na ‘yung mga tao hindi pa rin nawawalan ng bilib sa mga artista, at meron talagang mga artista na naging public servants na talagang seryoso sa trabaho nila, at saka talagang nag-e-excel."

Nananabik na rin siya sa kanyang bagong makakasamang kongresista sa pagbubukas ng 17th congress.

“Ako, excited ako makasama talaga si Ate Vi kasi isa siya sa mga successful na artista na naging public servant na talagang hinahangaan ko ever since,” pag-amin niya.

Pasok sa top 10 sa senatorial race sina dabarkad Tito Sotto, boxing champion Manny Pacquiao, at ang asawa ni Sharon Cuneta na si Kiko Pangilinan. Naiproklamang muli na vice governor sina Jolo Revilla ng Cavite, at si Daniel Fernando ng Bulacan.

Itinanghal na bagong alkalde si Richard Gomez ng Ormoc City at si Dan Fernandez sa Sta. Rosa, Laguna. Nahalal din na bagong mayor ng Bacoor, Cavite si Lani Mercado. Mananatiling mayor ng Quezon City si Herbert Bautista, at ng Maynila si Joseph “Erap” Estrada. Mula sa pagiging konsehala ng Tacloban, naging matagumpay naman si Cristina Gonzales-Romualdez sa kanyang mayoralty bid.

Nagpaabot ng mensahe ang Tacloban mayor-elect. Aniya, “Number one, I thank the Lord for this opportunity to serve again, and I also thank those that voted for me. Of course, mga taga-Tacloban, maraming salamat sa inyo.”

 

MORE ON ELECTIONS 2016:

IN PHOTOS: The presidential and vice presidential bets of the celebrities

#LabanLeni: Stars continue praying for Leni Robredo’s win in the vice presidency

Showbiz personalities celebrate big lead of Mayor Rodrigo Duterte in the presidential race