Showbiz News

Concert ni Regine Velasquez-Alcasid, dinagsa sa Amerika

By AL KENDRICK NOGUERA

Lumipad si Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid patungong Amerika kamakailan para sa kanyang Timeless concert tour. Sa ulat ni Luane Dy sa Unang Balita, dinagsa raw ang unang gabi ng concert ni Regine ng fans na hindi inalintana ang malakas na ulan sa Chicago, Illinois.

READ: Regine Velasquez-Alcasid, nasa Amerika na para sa kanyang concert tour

Bukod kay Regine, naroon din ang kanyang malapit na kaibigan at Poor Señorita co-star na si Jaya.

Nakatakdang mag-perform si Regine sa San Diego, California ngayong Biyernes, May 20. Samantala, magtatapos naman ang kanyang US concert tour sa Los Angeles.

Video courtesy of GMA News

MORE ON REGINE VELASQUEZ-ALCASID:

WATCH: Regine Velasquez-Alcasid, sinagot na ang tsismis na nagparetoke siya ng ilong

Regine Velasquez-Alcasid, ipinaglihi kay Nora Aunor

Regine Velasquez on being a mom: "Napakasarap talagang maging nanay"