Showbiz News

Heart Evangelista, naka-focus sa pagbubuntis kahit busy sa 'Juan Happy Love Story'

By AL KENDRICK NOGUERA

Kababalik lang ni Kapuso actress Heart Evangelista galing sa Balesin Island kasama ang asawang si Sen. Chiz Escudero, mga kamag-anak at malalapit na kaibigan.

Sa ulat ni Cata Tibayan sa 24 Oras, diretso raw si Heart sa taping ng kanyang bagong programa na ipapalabas na ngayong gabi, ang Juan Happy Love Story.

READ: Heart Evangelista and Dennis Trillo star in 'Juan Happy Love Story'

Bahagi ni Heart, kahit daw busy siya sa bagong show ay naka-focus pa rin siya sa pagbubuntis. Ngayong taon daw kasi ang target nila ni Chiz na mabuo ang kanilang panganay na anak.

"Ang pagbubuntis sa 'kin, para siyang isang malaking project. I'm starting to swim, bike, and run again. I'm really just preparing my body for my baby," pahayag ni Heart.

Mayroon na rin gender preference si Heart. Aniya, "Puro kami babae, isa lang 'yung lalaking kapatid ko. Gusto ko talaga ng boy. But definitely kung boy, ine-name ko siyang Francis, Jr., named after Chiz."

Sa huli, inimbitahan ni Heart ang viewers na panoorin ang Juan Happy Love Story na ipapalabas na ngayong gabi sa GMA Telebabad. "Definitely kikiligin kayo, matatawa kayo. Pilot episode pa lang namin punong-puno na. So hindi talaga nila dapat ma-miss yon," pagtatapos niya. 

MORE ON HEART EVANGELISTA:

LOOK: Soon-to-rise home of Heart Evangelista

Dennis Trillo, umaming nag-iingat sa mga eksena nila ni Heart Evangelista

READ: Heart Evangelista's emotional message to husband Chiz Escudero