Behind the scenes: Kilig-loaded Barbie Forteza-David Licauco commercial shoot

Muli nanamang nagpakilig sina Kapuso actors Barbie Forteza at David Licauco sa pamamagitan ng kilig-loaded advertisement para sa fastfood chain na McDonald's.
Kilala bilang BarDa team, mapapapanood sina Barbie at David sa commercial video, kung saan makikita silang kumakain ng bago nilang iniendorsong produkto.
Bago magsimulang kumain, tumingin sina David at Barbie sa isa't isa dahil may gusto silang aminin. Pagkatapos ay sinabi nila: “I love… extra rice!”
Sa dulo ng ad ay makikita si David na lumapit at tila hahalikan si Barbie, ngunit agad namang nagbigay ng pagkainang huli sa aktor. Gayunman, napuno ng kilig ang mga nakapanood ng nasabing commercial video.
Samantala, tingnan ang ilan sa mga behind-the-scene photos ng pagtatambal nina Barbie at David sa gallery na ito:





