Showbiz News

READ: Ano ang bilin ni incoming president Rodrigo Duterte kay Rodney Juterte?

By AEDRIANNE ACAR

Talaga namang pinag-usapan ngayong linggo sa social media ang patok na panggagaya ng Kapuso comedian na si Jose Manalo kay incoming president Rodrigo "Digong" Duterte sa Sunday PinaSaya.

Ang video nga ng unang impersonation ni Jose kay Duterte sa YouTube ay umabot na sa mahigit sa 1.5 million views.


Sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras Weekend ngayong gabi, May 22, tuwang-tuwa si Mayor Duterte sa husay ng impersonation ni Jose Manalo.

Nagbigay pa nga ito ng payo para higit na mapaganda ng comedian ang kaniyang karakter bilang si Mayor Rodney Juterte. Ani Mayor Duterte, “Jose (Manalo) enjoy the show. Ilayo mo lang konti dito (gestures with his hands). The reason why I’m placing my hand over my right (side of the face) is that I’m pressing a nerve there below the ear. Kasi nadisgrasya ako sa motor. To lessen the pain, dinidiin ko 'yan.”

Taos-puso naman ang pasasalamat ni dabarkad Jose Manalo na nagustuhan ng incoming president ang kaniyang impersonation.

Biro nito, “Ayoko pong masira ‘yung karakter ninyo, kasi tinatakpan ko po. Mas makinis po ‘yung mukha n'yo kaysa sa akin ‘di hamak.”

May mensahe rin si Rodney Juterte kay Digong.

“Naka-jacket ako pero kinikilabutan ako. Pero maraming-maraming salamat po, Mr. President. (peaks in the voice of Juterte) Sa ating mahal na presidente binabati kita at marami kaming umaasa sa iyo. Mabuhay po kayo and God bless you mahal na Presidente.”

MORE ON JUTERTE AND THE DUTERTES:

WATCH: Mayor Rodney Juterte gustong maka-live in si Simpleni?

MUST-SEE: Ano ang tipo na babae ni Baste Duterte?