Showbiz News

Tom Rodriguez, nawala sa kanyang sarili habang ginagawa ang indie film na 'Magtanggol'

By BEA RODRIGUEZ

Naging ibang tao si Kapuso star Tom Rodriguez nang ginampanan ang title role ng pelikula tungkol sa apatnapung taon gulang na si Senador Juancho Magtanggol.
 
Isa raw ito sa pinaka-challenging na karakter niya, “Siyempre ‘yung pinagdaanan niya sa buhay malayo rin sa pinagdaanan ko. It didn’t feel like Tom. It’s a different feeling talaga when you’re somebody else.”
 
Nasabi ito ng Kapuso star dahil naramdaman niya nang husto ang emosyon ng kanyang karakter, pati ang pagkilos, pagdedesisyon at pag-iisip nito.

  
“You lose yourself in these things [and it’s a] beautiful [experience]. In this line of work, you really do become different people [because] there is that movie magic. Si Marlon Brando was the one who said that all of us are actors,” sambit ni Tom patungkol sa kanyang karanasan bilang isang aktor.
 
Dagdag pa niya sa Unang Hirit, “Every role naman I’ve had the pleasure of embodying, [it] has been a challenge one way or another eh [and] I’ve learned something from it.”
 
Naging epektibo ang pag-atake ng Kapuso leading man sa kanyang karakter dahil sa patnubay ng kanyang direktor na si Siegfried Sanchez. Kuwento niya, “I had a lot of fun. I was really happy that our director told me what he wanted from the role and hinayaan nila ako to experiment and mag-learn. I really felt that I did grow a lot with their guidance.”



Isa pa sa mga nagustuhan ni Tom sa kanyang trabaho ay ang mga kasamahan nito, "'Yun lagi ‘yung sobrang [ipinagpapasalamat ko] na nakakatsamba ako to work with the most amazing people in everything that I do.”
 
Inilabas na ang official trailer ng Magtanggol kaninang umaga at mapapanood na ang pelikula sa June 8 nationwide. Ayon sa aktor, “Maraming-marami akong makakasama dito na napakagaling na mga aktor at mga aktres po.”
 
MORE ON TOM RODRIGUEZ:
 
Tom Rodriguez stars opposite Denise Laurel in indie film

LOOK: BTS photos of Tom Rodriguez's indie film, 'Magtanggol'