Showbiz News

Aiko Melendez's son Andre meets her Persian BF Shahin Alimirzapour

By AEDRIANNE ACAR

Nagkakilala na ang anak na lalaki ng former Bubble Gang comedienne na si Aiko Melendez at bago nitong Persian boyfriend na si Shahin Alimirzapour.

IN PHOTOS: Meet the hot Persian BF of Aiko Melendez

Sa post ng aktres sa Instagram ngayong araw, May 24, nag-bonding na ang panganay na anak niya na si Andre at si Shahin.


Ayon sa ulat ng GMA News Online, inamin ni Aiko sa isang interview na nagkaroon sila ng tampuhan ng kaniyang anak na si Andre matapos malaman ng binata na may bago ng dini-date ang kaniyang mommy.

Ayon kay Aiko, aminado siya na nagkamali dahil nalaman ni Andre na may bago siyang boyfriend sa Instagram at hindi niya ito personal na sinabi sa anak.

Anak ni Aiko si Andre kay Jomari Yllana. Samantala, ang tatay naman ng babae niyang anak na si Marthena ay si Martin Jickain. Annulled na ang kasal ni Aiko kay Martin noong 2010.

MORE ON AIKO MELENDEZ:

#Throwback: 20 Bubble Gang comediennes we terribly miss