Showbiz News

Jaclyn Jose, balik Pilipinas na pagkatapos manalo sa Cannes Film Festival

By MICHELLE CALIGAN

 

Bumalik na sa Pilipinas ang 2016 Cannes International Film Festival Best Actress na si Jaclyn Jose kaninang hapon, May 24. Kasama niyang dumating ang director ng Ma' Rosana si Brillante Mendoza at ang anak at co-star na si Andi Eigenmann.

READ: "They are all my idols" – Jaclyn Jose on beating Best Actress contenders at Cannes Film Festival 2016

Ayon sa panayam ni Nelson Canlas sa The Millionaire's Wife star para sa 24 Oras, ni minsan ay hindi daw naisip ni Jaclyn na masusungkit niya ang isa sa pinakaaasam na parangal sa Cannes.

"You couldn't think of anything to say na phrase. Gusto ko lang din idagdag sabihin doon sana sa speech 'yung I hope the Filipino will appreciate also what we have been doing, itong mga movies na ganito, na ma-appreciate din ng mga Filipino at hindi lang ng ibang bansa," saad niya.

Hindi rin daw niya maipaliwanag ang kanyang naramdaman nang tanggapin niya ang isa sa mga pinakamahalagang acting awards sa buong mundo na katabi niya si Andi.

"Fantastic! We cried, the both of us. nag-akapan kami sa stage. It was pure. I didn't even think."

Dagdag pa niya, "Iba ang Cannes. Hindi siya Oscars, hindi siya Hollywood. This is the deep [kind]. Alam naman natin ang French film. Medyo nadala natin sa subtle acting na gusto ng mga French."

Tinatalakay ng pelikulang Ma' Rosa ang problema ng droga sa bansa, at umaasa ang grupo nina Jaclyn na mahanapan ito ng solusyon ng bagong pamahalaan.

"We are hoping that the people, after this winning, will take a look at the movie and see what it is all about and makarating kay Presidente at puntahan niya ang mga lugar na ito."