Showbiz News

EXCLUSIVE: Direk Caesar Cosme, may paalala sa mga contestant ng 'Laff, Camera, Action!'

By CHERRY SUN

Ngayong Sabado, May 28, ay simula na ng bagong improvisational comedy game show na Laff, Camera, Action!. At dahil talagang masusubok ang galing sa pagpapatawa ng mga contestant sa programa, may paalala ang isa sa mga judges at creative director na si Direk Caesar Cosme.

READ: Kilalanin ang tatlong judges na kikilatis sa comedy sa Laff, Camera, Action!

Panimula niya, “Sinasabi ko kailangan super sensitive sila kasi team work ito eh, team play. Hindi naman ito solo act, hindi naman ‘to solo stand up so kailangan sensitive ka doon sa ginagawa, sinasabi ng kaeksena mo na ngayon mo lang malalaman kasi hindi nga siya scripted.”

Inihalitunlad din niya sa musika ang effective na pag-deliver ng improvisation at comedy bilang isang grupo.

Ani Direk Caesar, “Sensitive in a lot of things to effect an ideal tempo kasi sabi nga natin comedy is timing, lagi siyang parang music. Like sensitive ka na masyado na pala siya sumisigaw so baka dapat hinaan mo ‘yung boses mo. Masyado na siya mabilis so dapat bagalan mo para may blending kayo katulad din ng kanta. ‘Yun ang sinasabi ko na kailangan sensitive ka.”

“Pag hindi ka nakikinig doon sa kaeksena mo ang tendency para kayong nagkukuwentuhan na ayaw mo makinig doon sa kakuwentuhan mo. Ikaw nang ikaw ang nagkukuwento, so ang pangit din noon,” patuloy niya.

Magawa naman kaya ito ng mga contestant? Tutok na ngayong Sabado ng hapon at maki-Laff, Camera, Action!

MORE ON LAFF, CAMERA, ACTION!:

IN PHOTOS: The lovable tandem of #BetSheen

READ: Sheena Halili at Betong Sumaya, babaguhin ang ating Saturday afternoon habit