Showbiz News

Zayn Malik, nag-guest sa 'Unang Hirit'?

By BEA RODRIGUEZ

Kaboses pala ng dating One Direction member na si Zayn Malik ang bumisita sa Unang Hirit kaninang umaga. Para patunayan ito, kinanta niya ang hit song ng English singer na “Pillowtalk.”
 
Dahil sa taglay na talento, tinatawag siyan ngayong “Pinoy Zayn” ng kanyang fans. Siya ay walang iba kundi ang internet sensation na si Chester Padilla. 

 

 
Bukod sa pagiging singer at model, pageant titleholder rin pala ang napaka-talented na estudyante ng Lyceum of the Philippines University. Nakasama niya pala ang Kapuso actress na si Ash Ortega sa parehong beauty pageant noong 2014. 

 



 
MORE ON INTERNET SENSATIONS:
 
IN PHOTOS: Pormang artista ni Carrot Man
 
WATCH: Kilalanin ang Internet sensation na si "Badjao Girl"