Showbiz News

Mariel Rodriguez, ibinahagi ang napupusuang pangalan para sa ipinagbubuntis

By MARAH RUIZ

Noong Abril nalaman nina TV host and actress Mariel Rodriguez at ng kanyang asawang si action star Robin Padilla ang tungkol sa kanyang pagdadalang-tao. Hindi raw inaasahan ng dalawa ito, lalo na at dalawang beses nang nakunan or nagka-miscarriage si Mariel.

"I'm really excited. I couldn't believe that it's for real," masayang kuwento ni Mariel. 

Pero hanggang ngayon ay maselan pa rin ang pagbubuntis niya.

"My body, my blood is attacking the baby. 'Yun ang nangyayari. Iniisip niya kasi it's something foreign so nire-reject niya siya. That's why I have to take my Heparin shots para pakalmahin na rin 'yung dugo ko, para the nutrients can go to the baby," pagbabahagi niya. 

Bukod dito, nagkaroon pa ng gestational diabetes si Mariel. Ito ay ang diabetes na nakukuha ng isang nagbubuntis pero kadalasang nawawala rin kapag naipanganak na ang sanggol. Kaya naman kinakailangan ni Mariel na i-monitor ang kanyang blood sugar at magturok ng insulin. 

Sa kabila nito, excited pa rin si Mariel sa kanyang pagbubuntis at may mga plano na raw sila ni Robin tungkol sa ipapangalan sa bata.

"If it's a girl, he wants it to be after me, Maria. Maria kasi ako talaga. If it's a boy, I will name it after him also," kuwento ni Mariel.

"But because Robin's son, Ali, is Robinhood Junior, siya 'yung junior. Robin's name is Robinhood Fernando Cariño Padilla, so I'm gonna get the Fernando," paliwanag niya. 

Narito ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras:

Video courtesy of GMA News

MORE ON CELEBRITY MOMS AND BABIES:

Iya Villania on her pregnancy: "Slowly it's becoming more real"

IN PHOTOS: Chynna Ortaleza's baby shower