Showbiz News

Dancing baby na si Balang, mapapanood na sa 'Magkaibang Mundo'

By BEA RODRIGUEZ

Madalas na ninyong mapapanuod ang Internet dancing sensation na si John Phillip Bughaw o mas kilala bilang si “Balang” sa kanyang kauna-unahang teleserye na Magkaibang Mundo bilang ang duwendeng si Dino.

 


 


 

Sa set, nakasama niya ang komedyanteng si Pekto na inilarawan siya bilang “mabait” at “magaling sumayaw” kaya pinakitaan niya ito ng kanyang abilidad.
 
Kuwento niya sa Tunay Na Buhay, “Nanunuod lang po [ako ng videos] sa YouTube [at] ‘pag nasa show, ginagalingan ko po.”
 
Bilang artista, gusto rin ng pitong taong gulang na gumanap bilang si Superman, “Ako dapat [ang] bida kasi po macho ako.”

 

 




 
Maliban sa kanyang bagong show, napapanuod na rin natin siya sa Unang Hirit kada Lunes, Miyerkules at Biyernes.
 
WATCH: Balang nagturo ng kanyang dance moves sa Unang Hirit
 
Malaki raw itong tulong sa kanilang pamilya, ayon sa kanyang ina na si Mary Jane Laboc. Ngunit, mas masaya siya sa pangarap ng kanyang anak, “[Nakukuha] niya na ang gusto niya dahil dati po hindi niya [nabibili] ang gusto niya dahil walang budget [pero] ngayon kaya na po dahil meron na siyang sariling [hanapbuhay].”
 
Ayon naman sa kanyang ama na si Eric Bughaw, bike raw ang unang binili ng kanyang anak gamit ang talent fee mula sa TV guesting. Si Balang na rin umano ang unting-unti bumubuo ng kanilang simpleng bahay.
 
Mahal na mahal niya ang kanyang mga magulang kaya pinapangako niyang maging isang mabait na bata na bumabahagi ng kanyang blessings.
 
Pinasalamatan niya rin ang mga taong nandyan para sa kanya, “Hello po, mga fans! Thank you po sa support. Sana po hindi po kayo [magsawang] i-support [ako]. I love you po!” 
 
MORE ON BALANG:

 

 

'Magpakailanman' presents Zumba Dancing Boy Balang
 
International dancing sensation Balang nakisaya sa Wowowin