Showbiz News

LOOK: Guwapong Jeepney 'Dri-Bae' ng Tagaytay goes viral

By GIA ALLANA SORIANO

Pagkatapos ni “Carrot Man,” isa namang guwapong “Jeepney Man” ang pinagkakaguluhan online.

 

 


Ayun sa Facebook user na si Jeck Toledo, nakita niya ang driver nang sumakay siya sa Silang, Tagaytay. Ika niya, “Sasakay ka ba kung ganito driver? Unang beses ko nasakay sa kanya sa Daang Balite, papunta akong bayan ng Silang. Ayun, panakaw picture agad!”
 
Totoo nga ba na “Basta driver, sweet lover?”
 
Ika rin ni Jeck, “Magalang pa at laging nakangiti sa pasahero nya at talagang pang-hashtag ang dating! Byaheng Tagaytay-Silang-Dasma! Guys hindi ko ‘to kilala ! Baka kayo kilala nyo? Pakilala nyo naman ako!”

 

Ayun naman sa ulat ni Vicky Morales ng 24 Oras, ang bagong crush ng bayan ay isang 22-year-old na nagngangalang Angelo Booc. Nagsimula siya bilang carwash boy at messenger bago maging isang jeepney driver. Ika pa ni Vicky, "[may] ilang dumadayo pa raw sa Tagaytay para sumakay sa ipinapasadang jeep ni Angelo."

Si Angelo naman ay nagulat sa pangyayari, ngunit masaya naman din daw siya ngayon. Aniya, "Hindi [ko] po inexpect na may magpi-picture sa akin tapos ia-upload, na ganun karami magla-like. Masyadong nakakatuwa. Punta po kayong Tagaytay, masaya po dito."

Sa ngayon ay may 29,000 likes at 1876 shares na ang kanyang picture sa Facebook. 

MORE VIRAL STORIES: 

LOOK: Carrot Man Jeyrick Sigmaton is super guwapo in his newest photoshoot

READ: 'Cabbage Man' steals the spotlight from 'Carrot Man,' as his photo creates buzz online!