Showbiz News

Maria Isabel Lopez, nagpaliwanang sa pangangabog isyu sa Cannes

By AEDRIANNE ACAR

 

Binasag na ng former beauty queen at Ma’ Rosa star na si Maria Isabel Lopez ang kaniyang katahimikan tungkol sa isyu ng pangangabog daw niya sa red carpet ng 2016 Cannes Film festival.

READ: Jaclyn Jose reacts to 'show-stealing' of Maria Isabel Lopez in Cannes

Ayon sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, nag-apologize na si Maria Isabel sa mga co-stars niya sa Ma’ Rosa dahil hindi raw dapat siya ang pinag-usapan kundi ang pelikula nila.

Nagpaliwanag din siya patungkol sa emerald green gown na nilikha ni Albert Andrada na sinuot niya sa film festival. 

Si Albert rin ang gumawa ng gown na isinuot ni Pia Wurtzbach sa 2015 Miss Universe pageant.

Paliwanag ni Maria Isabel sa Chika Minute, “Mas exag sa gown ni Ms. Universe [Pia Wurtzbach] kasi mas malalim times three and the reason na medyo may gap, nag-space ako it’s not for anything but para ‘yun sa train para hindi ko maapakan.”

“May nakalagay na blog sinabi ko 'yun kay Albert (Andrada). ‘Uy alam mo worst dressed ako sa Cannes noong 2009. Buti na lang katabi ko si Paris Hilton.' Sabi sa akin ni Albert 'Hindi ka na worst dressed ngayon.'”

Nagbigay rin ng tips ang veteran actress kung papaano rumampa sa red carpet.

Saad ng aktres, “Basta lang you make sure na when you're walking... make love to the camera. So nandun na ‘yung ganito (shows pose), tapos you look to the left, look to the right. Remember laging may camera at 'tsaka ang pinaka most important is give a real smile.”

MORE ON CANNES 2016:

Celebrities rejoice over Jaclyn Jose's win in Cannes 2016

Jaclyn Jose bags Best Actress award at Cannes 2016