Showbiz News

Camille Prats at James Blanco, takot iwan ang showbiz!

By BEA RODRIGUEZ

Wala na ibang gustong tahakin pa sina Kapuso stars Camille Prats at James Blanco kundi ang mundo ng showbiz.


Matatandaang sumikat bilang child actress si Camille kaya showbiz na ang kanyang kinalakihan, “I’ve been doing this since I was seven! This is the only thing that feels so familiar to me.”
 
Kahit merong mga oras na napapaisip siya ng ibang okupasyon, bumabalik at bumabalik pa rin daw siya sa kanyang nakasanayan. Saad ng Mars host, Kung mahal mo pala talaga ang ginagawa mo, talagang naninibago ka na hindi mo siya ginagawa [at] parang mami-miss mo siya.”
 
Iba raw ang kanyang sense of fulfillment kapag umaarte at nasa taping, “Kapag may trabaho ka, sobrang busy mo halos hindi ka na natutulog, ‘pag wala naman, talagang [I don’t feel productive]. Suwerte lang din siguro na I really like what I do kaya hindi ko rin siya siguro iisipin [na hindi] gawin.”
 
Sumang-ayon rito si Pars James na dating basketball player ng kanyang paaralan, “Akala ko dun ako mapupunta [pero] since nagkaroon ako ng problema sa tuhod, nag-stop [ako tapos] napunta sa showbiz.”
 
Minsan daw ay hindi niya sineryoso ang kanyang pag-aartista ngunit napaisip siya, “Habang tumatanda ako, sabi ko, ‘Teka lang, kung ito hindi ko seseryosohin, saan ako pupunta?’”
 
Naging passion niya na raw ang pag-arte, “Ngayon, takot na ‘ko [lumipat ng ibang industriya].”
 
May ibang negosyo naman raw siya pero may kasamang mga kasosyo. Dagdag ng aktor, “‘Yung magko-concentrate talaga ako sa isang [bagay], gusto ko dito ako [sa showbiz].”
 
MORE ON 'MARS':

Why did Mars Diva Montelaba give up her beauty queen dream?

LOOK: Ang nakakatuwang transformations nina 'Mars' Camille Prats at Suzi Abrera