Showbiz News

WATCH: Facebook Live video ni Rodney Juterte, pumalo na sa 2M views!

By BEA RODRIGUEZ

May mahigit dalawang milyong views na ang Facebook Live video ni Rodney “Dugong” Juterte tungkol sa kanyang ipapatupad na batas sa curfew, payo sa pag-ibig, paggamit ng social media at ang kanyang mensahe sa haters at bashers.


Mula nang lumabas ang karakter ni Rodney Juterte sa Sunday PinaSaya noong May 15, naging viral sa social media ang pag-spoof ni Kapuso comedian Jose Manalo kay incoming president Rodrigo “Digong” Duterte.
 
WATCH: First appearance of Mayor Rodney Juterter in 'Sunday PinaSaya'
 
Umabot pa kay Digong ang segment ng Sunday noontime comedy-variety show kaya nagsalita siya sa 24 Oras tungkol dito.
 
Dalawang linggo nagsama sina Mayor Juterte at Congresswoman Simpleni sa Star Buzz ngunit ngayong Linggo, May 29 sina Dugong at PNyoy naman ang maghaharap!