Showbiz News

President face-off: Juterte at PNyoy, maghaharap sa 'Sunday Pinasaya!'

Ito na ang pinakahihintay na paghaharap nina incoming president Rodney “Dugong” Juterte at ni outgoing president PNyoy (Willie Nepomuceno) ngayong Linggo sa Star Buzz! May maayos kayang kasunduan na magaganap alang-alang sa Pilipinas?
 
Kaabang-abang naman ang pagbabalik telebisyon ni Pambansang Bae Alden Richards pagkatapos ng tatlong linggo na movie shooting sa Italy kasama ang kanyang co-star at ka-love team na si Maine Mendoza. Magiging special hugot adviser ni DJ Bae ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid.
 
Matatandaang mas pinainit ng mga hotties ang election season kaya guest natin sila sa Sayawit kasama sina Joey Paras, Sef Cadayona at Betong Sumaya.

 
Kung kantahan ang pag-uusapan, patok diyan sina Jose Manalo, Wally Bayola at Jerald Napoles para kantahin ang iba’t ibang bersyon ng viral na nursery rhyme na “Tatlong Bibe” kasama ang buong cast ng Sunday PinaSaya na gaganap bilang mga hayop.
 
Pati sa Kantaserye, magiging importante ang papel ni Ogie Alcasid sa pagpapalaganap ng pag-asa sa mga taong nasa Talipapa Don’t Preach dahil sa planong pagbuwag nito. Aayaw na rin si Sookie (Julie Anne San Jose) sa relasyon nina Isay (Gabbi Garcia) at Baw (Ruru Madrid).
 
Sa kalagitnaan ng gulo, isang pasabog naman sa dance floor ang dala-dala ng Asia’s Pop Sweetheart kasama sina Kapuso stars Maricris Garcia, Winwyn Marquez at Sanya Lopez para sa kanilang performance ng “Dangerous Woman” ni Ariana Grande.
 
Samantala, makikilala na natin ang dating kaibigan na naging kaaway ni Aling Goreng dahil maghaharap na rin sila ni Melody sa Caring Deria. Magkakaroon ba ulit ng world war?


Magbabalik naman si Dina M. (Boobay) sa Hoy Shopping bilang co-host ni Tina Warren (Marian Rivera) at meron silang bagong produkto, ang all-purpose soap na “Flawless de Mayo.”
 
Patapos na ang Mayo pero hindi nagtatapos ang kasiyahang dala ng inyong paboritong noontime habit, ang Sunday PinaSaya! 
 
MORE ON 'SUNDAY PINASAYA':
 
WATCH: Facebook Live video ni Rodney Juterte, pumalo na sa 2M views!

First Juterte video in 'Sunday PinaSaya' climbs to 2M views