Showbiz News

WATCH: Maine Mendoza, naging emosyonal sa pag-alis ni Alden Richards sa Italy

By MARAH RUIZ

Nauna nang umuwi sa Pilipinas si Pambansang Bae Alden Richards matapos ang tatlong linggo sa Italy kasama si Dubsmash Queen Maine Mendoza. 

Matatandaang nagshu-shoot ang dalawa ng kanilang upcoming movie sa Italy kasama ang direktor na si Mike Tuviera. 

Naging emosyonal naman si Maine sa pag-alis ni Alden nang hindi siya kasama.


Kinailangan nang mauna ni Alden na umuwi dahil sa ilang mga showbiz commitments, habang si Maine naman ay magshu-shoot umano ng isang commercial sa Germany. 

Wala pang opisyal na pahayag si Maine o kaniyang management patugkol sa nasabing commercial. 

Matapos ma-delay ang kanyang flight, inaasahang makabalik sa Pilipinas bukas si Alden para sa kanyang pagbabalik sa Sunday PinaSaya.

MORE ON ALDEN RICHARDS AND MAINE MENDOZA:

LOOK: Maine Mendoza hacks Alden Richards photo sharing account

Alden Richards and Maine Mendoza celebrate 44th weeksary in Italy