Showbiz News

Pia Wurtzbach lands in Ecuador

By MARAH RUIZ

Lumapag na sa Ecuador si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach!

Nagtungo doon si Pia para sa relief efforts na ginagawa sa bansa matapos ang tatlong malalakas na lindol na yumanig dito noong Abril at maagang bahagi ng Mayo.

Dadalo din siya sa isang fundraiser na para sa mga batang Ecuadorian.


Noong isang buwan pa gustong bumisita ni Pia sa Ecuador nang mabalitaan niya ang tungkol sa pinsalang idinulot ng mga lindol dito. Ngunit dahil sa kanyang mga commitments bilang Miss Universe, ngayon lang siya nagkaroon ng puwang sa kanyang schedule para dito. 

MORE ON PIA WURTZBACH:

Pia Wurtzbach on the cover of a leading entertainment magazine

READ: Pia Wurtzbach looks back at memories with departed grandparents