Showbiz News

Sheena Halili, nag-react sa bagong bansag sa kanya bilang 'sexy comedienne'

By CHERRY SUN

Isang sexy but funny na Sheena Halili ang mapapanood sa Laff, Camera, Action!, ang pinakabagong improvisational comedy game show ng GMA Network na nagsimula noong Sabado, May 28. Ano naman kaya ang masasabi ng actress-host tungkol sa pagiging isang sexy comedienne?

Para kay Sheena, parehong compliment at challenge daw ang mabansagan nito.


Aniya, “Masarap naman sa pakiramdam na ilalagay ‘yun, ‘Sexy comedienne.’ Ibig sabihin nakikita daw nila na sexy daw ako kahit hindi naman ako updated, hindi naman ako nasabihan.

“Tingnan natin kung magiging sexy comedienne ba ako para sa kanila, sa mga manonood. Kasi alam ko nakakatawa lang daw ako. Tingnan natin,” patuloy ni Sheena.

Dagdag din niya na ang pagiging sexy ay hindi lamang nadadala ng panlabas na anyo.

Paliwanag ni Sheena, “Para sa akin ‘yung mga komedyante naman talaga, ‘yung pagiging komedyante nila, ‘yung character nila ‘yun ‘yung nagpapa-sexy sa kanila. ‘Yun naman talaga eh, maraming nag-a-admire sa mga [nakakatawa].

“May appeal sa akin ang nakakatawang lalaki, tapos na-amaze din ako pag ‘yung babae may humor. Siguro ‘yun, ‘yun din ‘yung gusto kong ipakita,” sambit din niya.

Bago man sa kanya ang binigay na role bilang host ng Laff, Camera, Action! at ang kadikit na bansag dahil dito, magpapakatotoo at magpapakanatural daw si Sheena.  

READ: Sheena Halili at Betong Sumaya, may halong excitement at kaba sa pagbida sa 'Laff, Camera, Action!'

“Totoo lang ‘yung sinasabi ko. Kung ano lang ‘yung naiisip ko, kung ano lang galing sa bibig ko, ‘yun na ‘yun. Kung gusto ko lang mag-comment, mag-comment [ako.] Minsan seryoso naman ako pero nakakatawa daw. Pero siguro iba-ibang humor naman eh. Meron lang siguro akong nakukuhang kiliti, meron lang akong mga tao talagang nakikiliti at happy ako doon,” pahayag niya.  
MORE ON 'LAFF, CAMERA, ACTION!':

IN PHOTOS: The lovable tandem of #BetSheen

READ: Direk Caesar Cosme, Gladys Guevarra at Sef Cadayona, ang mga manghuhusGANG ng 'Laff, Camera, Action!'