Showbiz News

Andrea Torres, may sari-sari store at zoo sa loob ng kanyang sasakyan?

By BEA RODRIGUEZ

Umagang-umaga pa lang ay ni-raid na ng Unang Hirit ang sasakyan ng The Millionaire’s Wife star na si Andrea Torres para malaman kung ano ang kanyang dinadala sa taping. 


Napansin ng host na si Luanne Dy na maayos ang loob ng van ng aktres. “Naiinis ako ‘pag magulo,” puna ng Kapuso star.
 
Mahilig si Andrea magpalamig kaya baon niya palagi ang kanyang fan at cooler, “Kailangan may malaking-malaking fan [kasi] mainit ang panahon ngayon [tapos] ‘yung cooler ko.”
 
Inusisa ng host ang likod na parte ng sasakyan na tila parang may sari-sari store dahil sa mga pagkain at inumin na dala-dala ng aktres.
 
Sa ganda ng katawan ng sexy actress, hindi n'yo aakalain na may junk food siyang bitbit sa set. Nakitaan ang kanyang sasakyan ng soft drinks, juice, tubig, tsaa, tinapay, candy, chocolate, chips, cookies, cup noodles, pati patis, suka at ketchup!
 
Alam n'yo bang meron din siyang mini zoo sa loob? “May sheep, may zebra, may tiger. Ito ‘yung corner ni Kenneth, ‘yung kapatid ko kasi ayaw niyang sumasakay kapag wala ‘to,” ani ng aktres tungkol sa mga stuffed animals.
 
Bilang artista, hindi rin nakakalimutan ni Andrea magdala ng mga damit, sapatos, makeup at accessories kung sakaling kakailanganin niya ang mga ito.

 
MORE ON ANDREA TORRES:

Andrea Torres celebrates 26th birthday with kids from the Down Syndrome Association of the Philippines

READ: Sef Cadayona on Andrea Torres: "I just love my best friend"